Ayon sa Bangkang Papel

mabilis pa sa rumaragasang alon
ang aming takbo.
tandaan, isa itong paligsahan.
marami kami.
ngunit marami din ang aming kalaban:
mga naipong rurok, puno at
kung anu-anupang siit.
sa aming mata nagtatago
ang kanilang lihim.
kung lulusob ka, matutunghayan mong
sila’y teroristang kumukulong
sa ilang alalahanin ng mga
manunuod sa pampang.
hoy! kayo diyang humahandusay
sa tangis! marami silang bihag,
malamang kakilala ninyo.
bago kami tinupi ng mga giliw na kamay
marami kaming kuwentong tangan-tangan
na isa-isa ding lumulunod sa
amin dahil sa bigat.
matapos ang bitaw, kami’y nag-iisa.
sunod-sunod na rin ang gambala ng
panalangin na matutupad namin ang propesiya.
ngunit, hindi namin kaibigan ang tubig, at
pain lamang kami upang dumami
ang kanilang bihag.
ipapakain sa binubuntis ng kanilang ina,
iluluwal sa kung saang pampang.
maghihintay na papasanin ng hangin
ang amoy tungo sa ilong ng mga
nakakakilalang ito’y katawan ng tao,
sila iyong bihag na nawawala,
hanggang sa susunduin na sila
ng kani-kanilang kakilala.
mabuti pa sila.
kami kung iluluwal ma’y
walang nakakaalala,
nakalimutan ang dala naming
mga kuwento at propesiya.

– September 27, 2013

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s