gunita

gugunitain natin ang iyong pagkabuhay
ngayong gabing tahimik na
nahihimlay ang mga patay sa sementeryo
hindi na sila gagambala,
o kung nag-aalala ka
sinelyado kong mabuti ang pantyo.
kung nagbabasa ka ng libro
o kung naglalaro ka ng domino
ay ilalako kita sa aking kuwarto
tahimik doon at malamig
gaya ng iyong himlayan sa
matagal-tagal ding panahon
bago ka bumangon at sagupain
ang hinanaing ng mga ligaw nakaluluwa
na matagal nang hinahanap ka
magsindi tayo ng kandila
at patayin ang buong ilaw
para hindi na malantad ang kabuuan
ng iyong pagkatao at lumabas
ang mga butas-butas
na dinulot ng iba’t ibang pakikipagdigma:
sa marahas na kamao,
sa malamig na bakal,
sa katahikan at kahiwagaan ng mga tikom na bibig,
katagang inusal sa hangin na hindi na sumuot
sa taingang nais ay makinig sa
daluyong na ibabandera nito.
tanging ilaw lamang ng kandila
ang gumigitna sa atin habang
pinupuno ng kuwentong makatao at makapatay
at patuloy lang ang ganitong tagpo.
paikot-ikot at waring hinahanap-hanap
na rin ang natin ang ating kabuluhan-
ang akin, ang pagpapatuloy,
ang iyo, ang paglalakbay.
kung ikaw lamang ay nagkatawang tao.
ngunit ikaw ay pinid ng memoryang
bumibisita sa mga gabing tahimik na
nahihimlay ang mga patay sa sementeryo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s