Untitled

Hinahayaan, o sadya lamang mapait ang timpalada ng mga linyang sinunog magdamag. Kaya nangungulila tayo. Sa isang mahabang kurso na sa kahulihulihan ay tuldok lamang ang matandaan. Pinipilit mang gumuhit at sumulat nang padaskol sa isang blangkong pahina na pinunit-punit na ng mga laway, pinagpiyestahan na ng mga langgam sa ataul, at pininturahan na ng edad ng panahon, mahuhulog din ang lahat, hindi sa kumunoy, hindi sa impiyernong kinatatakutan, hindi sa tili ng batong nag-uumpukan habang guyod ang palang pinuno ng putik sa kahuhukay sa hindi malamang libingan, basta dinala lang ng mga kamay,sa balon ng kalalimang pag-inu-ino. At sadya pa lang masakit ang malaglag.

Hinahayaan, o sadya lamang masakit kaya hindi na nagawang gumapang patungo sa labas para tumili ng malakas ang kanina pa’y nag-iimik. At nagtatanong ang ilan kung ano nga bang nalaglag sa balon. Tahimik nga muna at bigyan natin ng daang magtunggalian ang nais maliwanagan. Ayaw ko na rin ng paglimot. Kung madali man, kasingdali ba lamang ng pagpunit ng papel? at magpapaturo ako nang hindi na mangulila sa magdamag, matatakpan na ang hinukay na libingan, at masasara na ang balong pinaghulugan ng memoryang sana’y binabasa pa ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s