Sa Gabi

Isang tula kang pilit na sumasabog,
nagpaparamdam sa mga damdaming tuyo
at nagpupumanhik sa tulog na puso.

Langit at buwan ang iyong sandalan
sa pagkanta nang mga di malilimutang
oyayi at mga huni nang insekto pa ang

nagsisilbing musika mo sa pagkanta.
Tulad mo ba’y pagmamahal?
At kung bakit ang malamig mong haplos ang

sumasalubong sa bawat haplos ko ay hindi ko
alam. Malamang isa kang iniirog
na sa aking lumamig na puso’y humahaplos.

Dahan-dahan ka bang papanhik sa bintana
upang aking madama ang kahiwagaan
nang iyong pagkadakila?

O sadya ka lamang lilipas sa sandaling
panahon at iiwan ang pintuan nang
matang nakabukas habang pilit na

ginagapi nang aking paningin ang
kadilimang iyong tinatahak?
Sa unahan ay bigla ka nang mawawala

at kung hagilap lang nang mata ang itatanong
ay sigurado akong mas maliwanag pa sa
sikat nang araw ang aking nakikita,

ngunit ang anino mo’y di na mahagilap
sa kawalan na bumabalot sa iyo.
Malamang ginawa kang bituin at ako’y buwan.

Sa ating mga mata nga’y iisa tayo
ngunit sa totong mundo ay ilang milyong milya
ang lalanguyin nang uhaw na puso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s